-physics lab-

Naglalagay ako ng bag dun sa shelves kasi ayaw nung prof namin na pakalatkalat yung mga bags para maluwag pag may activity. 
Yung ang ayos lang nang paglagay at pagkuha ko ng notebook ko kasi ako yung nauna sa room, hindi pa kami siksikan dun sa may area ng mga shelves. And then dumating na si president (crush) dun sya naglagay ng bag sa may medyo taas ng pinaglagyan ko ng gamit. Kumakanta kanta lang sya nun tapos guess what? nahulog yung bag nyang pagkalaki laki tas diretyo sa ulo ko HUHUHU. Hindi naman ganun ka sakit kasi medyo nasalo pa nya yung bag. Eto naman si president sobrang nag aalala na yung muka nya HAHA to the point na niyakap nya kong parang bata na nadapa tapos tinap nya ng yung ulo ko SHET. Hanggang matapos yung subject lumapit pa sya sa pwesto ko tas nag offer sya ng massage HAHAHAHAHELP  

Now is the time of my dreams.
Ito na yun. Ito pala yun.
Ito yung mga “Ano kaya yung mangyayari sa 18th birthday ko?”
“Ano kaya yung feeling ng mag ready for college?”
Mga panahong 13 years old palang ako,
iniisa isa ko na yung mga gusto kong mangyari pag dating ko sa edad at pangyayaring yun.
Naisip ko dati sa debut ko, gusto ko maganda yung venue, maganda yung damit ko,
at marami akong bisita. 1st year high school palang ako gusto ko na agad pumili ng course ko sa college.
Gusto ko maranasan yung pag take ng exam sa iba’t-ibang universities.
Pero tangina ito pala yun. Ito na pala yung feeling na yun. Ayoko na pala.
One week nalang 18 na ko pero wala parin. Hindi ko na nga naiisip na malapit na pala.
Nasira na lahat ng plano ko na kahit anong gawin kong paraan para maayos hindi na ako magiging masaya sa birthday ko.
Tangina yung UPCAT pa. Hindi ko na alam kung makakapag pasa pa ba ako ng application.
Kung alam ko lang na ganto pala yung iniisip ko dating pakiramdam sana hindi nalang ako nag expect.
Tulong lang naman kailangan ko eh. “Ano na plano mo sa Birthday mo?” “Nag pasa ka na ba form?”.
Sana “Kamusta araw mo?” “Ayos ka lang ba?” nalang tanungin nyo sakin.
Naipon na eh, nagsama-sama na lahat ng nararamdaman kong sama ng loob.
Sinasabi ko sa sarili kong i-iyak ko lang to okay na pero hindi parin pala.

I think i should write here my “journal” kinda thingy with what happen at school

and i know i should have started this since the first day of class but i didn’t… lol whatever


Indy Theme by Safe As Milk